Kilusan para sa Pambansang Demokrasya | |
---|---|
Mga aktibong rehiyon | Pilipinas, Estados Unidos, Canada, Netherlands, Australia |
Ideolohiya | Komunismo Marxismo–Leninismo–Maoismo Anti-imperyalismo Nasyonalismong makakaliwa Progresibo Sosyalismo |
Posisyong pampolitika | kaliwa |
Ang Kilusan para sa Pambansang Demokrasya (Ingles: National Democracy Movement), o KPD, ay isang malawak na alyansa na nakabatay sa kaliwa at progresibong mga indibidwal at organisasyong naghahanap ng komprehensibong panlipunan, pang-ekonomiya, at pampulitikang hustisya sa Pilipinas na binubuo ng mga magsasaka na walang lupa, maralita sa lunsod at bukid, mga katutubong mamamayan, inaaping mga relihiyosong minorya, aktibista, manggagawa, kabataan, at mga mag-aaral.[1][2] Layon ng kilusan na matugunan kung ano ang kanilang itinuturing na mga ugat ng kawalang-katarungan na nakakaapekto sa masang Pilipino sa nasuri nila na isang semi-kolonyal at semi-pyudal na lipunan, sa pamamagitan ng pagharap sa tatlong pangunahing pangunahing problema ng imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo.[3]
Nais ng pambansa-demokratikong pakikibaka na makamit ang "tunay" na pambansang pagpapalaya para sa bansa at ang pagsasakatuparan ng mga demokratikong karapatan ng mamamayan[4] sa pamamagitan ng pagpapalayas ng dayuhang imperyalismo, mga panginoong maylupa, mga monopolyong kapitalista, at mga tiwaling opisyal ng gobyerno.
Ang Kilusan para sa Pambansang Demokrasya ay nagmula sa pakikibaka laban sa dating pangulong si Ferdinand Marcos noong huling bahagi ng 1960 at unang bahagi ng 1970, ngunit sa kabuuan ay bilang pagpapatuloy ng mga pakikibaka ng Rebolusyong Pilipino na pinamunuan ng Katipunan noong 1896. [kailangan ng sanggunian] Bilang resulta ng napapanatiling pang-aabusong pang-ekonomiya, pampulitika, at militar sa panahon ng diktadurang Marcos, may mga ilang tao tulad ni Jose Maria Sison (bilang sagisag-panulat na Amado Guerrero) na nagmungkahi na ang paglikha ng isang rebolusyonaryong kilusang masa ng isang pambansa-demokratikong katangian ay kinakailangan upang malampasan ang "tatlong pangunahing problema" na sumusuporta sa mapang-aping mga kondisyon ng lipunang Pilipino noong dekada 70. Gumagamit ni Sison ang mga prinsipyong Marxismo-Leninismo-Maoismo para sa pagsusuri ng lipunan at sa pagsasagawa ng demokrasyang bayan o pambansang demokrasya:
Sa ilalim ng kasalukuyang konkretong kondisyon ng lipunang Pilipino na semi-kolonyal at semi-pyudal, kailangang magsagawa ng Partido Komunista ng isang pambansa-demokratikong rebolusyon ng isang bagong uri, isang demokratikong rebolusyon ng bayan. Bagaman proletaryado ang pamumuno nito, ang Rebolusyong Pilipino ay hindi pa isang proletaryo-sosyalistang rebolusyon. Hindi dapat malito sa pambansa-demokratikong yugto at sosyalistang yugto ng Rebolusyong Pilipino. Matapos lamang ang pambansa-demokratikong yugto ay maaaring isagawa ng proletaryo-rebolusyonaryong pamumuno ang sosyalistang rebolusyon bilang yugtong transisyonal patungo sa komunismo.
- Philippine Society and Revolution p.78[5]
Nang ang batas militar ay napawi noong 1981 at si Corazon Aquino ay nahalal na pangulo noong 1986 pagkatapos ng People Power Revolution, ang katiwalian at pang- aabuso sa kapangyarihan ng gobyerno ay nananatiling malawak sa sistemang pampulitika ng Pilipinas, na ayon sa ND ay naipakita ng masaker na Mendiola, ang mga programang kontra-insureksyon laban sa armadong grupo ng Moro Islamic Liberation Front at Bagong Hukbong Bayan, pagkalugi at pagnanakaw sa mga termino nina Joseph Estrada at Gloria Macapagal Arroyo, at ang masaker sa Hacienda Luisita noong 2004. Ayon sa "pagsusuri ng ND" na isinalin ni Sison at iba pa sa buong 1970 hanggang sa ngayon, ang pagpapatuloy ng mga paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas sa kamay ng mga opisyal ng gobyerno at iba pang mga kawalang-katarungang panlipunan, pang-ekonomiya, at pampulitika ay nagbibigay-diin sa pangangailangan ng pagpapalaya sa bansa sa mga pwersang imperyalista - na pinagugunahan, ayon sa ND, ng Estados Unidos, dahil sa pagiging dating kolonya nito.
Ang Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), Alliance of Concerned Teachers, Anakpawis, Bayan Muna, GABRIELA, at Kabataan Partylist ay ilan sa mga kabilang sa maraming mga samahan na bumubuo at umaapik sa kilusan. Ang kilusan ay naglalayong isulong ang pambansang demokrasya at kalayaan mula sa imperyalismo sa Pilipinas. Ang kilusang ND ng Pilipinas ay magkasama sa isang mas malaking pandaigdigang alyansa: ang International League of Peoples 'Struggle (ILPS), kung saan si Joma Sison ay nagsisilbing tagapangulo nito.[6]
Kabilang sa kilusan ay ang:[7]
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)