Kim Chol-ju | |
---|---|
김영주 | |
Kapanganakan | 12 Hunyo 1916 |
Kamatayan | 14 Hunyo 1935 | (edad 19)
Magulang | Kim Hyong-jik (ama) Kang Pan-sok (ina) |
Kamag-anak | [Mga Kapatid:] Kim Il-sung Kim Yong-ju |
Si Kim Chol-ju (Hunyo 12, 1916 - Hunyo 14, 1935) ay isang Koreanong manghihimagsik sa panahon ng pamamahala ng Hapon sa Korea. Isa siya sa mga nakababatang kapatid ni Kim Il-sung, ang unang kataas-taasang pinuno at nagtatag ng Hilagang Korea.
Ipinanganak si Kim noong Hunyo 12, 1916 sa kapitbahayan ng Mangyongdae sa Korea, noong sakop pa ang tangway ng Imperyo ng Hapon. Ang kanyang mga magulang ay sina Kim Hyong-jik, isang guro, parmakolohista sa damong-gamot, at aktibista para sa kalayaan ng Korea, at si Kang Pan-sok, isa ring aktibista kagaya ng kanyang asawa. Ang kanyang dalawang kapatid ay sina Kim Il-sung, ang unang kataas-taasang pinuno ng Hilagang Korea, at Kim Yong-ju, ang naging Pandangal na Pangalawang Pangulo ng Kataas-taasang Asembleyong Bayan ng bansa. Galing ang pamilya ni Kim mula sa Jeonju, Hilagang Jeolla. Ang kanyang lolo sa tuhod (sa kanyang ama) na si Kim Ung-u ay nanatili sa Mangyongdae noong 1860. Lumaki si Kim sa isang Kristiyanong pamilya, partikular na sumusunod sa sektang Presbyterianismo. Ang kanyang lolo sa ina ay isang Protestanteng ministro, ang kanyang ama ay pumunta sa isang paaralang misyonero, at ang kanyang mga magulang ay aktibo sa pamayanan ng agamahan. Ang pamilya ni Kim ay sumali sa mga aktibidad na kontra-Hapones at tumakas sa Manchuria noong 1920 kagaya ng karamihan ng mga Koreanong pamilya upang makaiwas sa taggutom at sa pang-aapi ng mga Hapones sa panahon noong sakop pa ng Hapon ang Korea.[1][2][3][4][5]
Naging aktibong miyembro si Kim ng Unyong Kabataan ng Saenal, ang kauna-unahang mapanghimagsikang organisasyong kabataan ng Korea. Pagkatapos, sumali siya sa Batang Ligang Komunista. Namatay siya noong Hunyo 14, 1935. Nakalibing siya sa Mapanghimagsikang Libingan ng Taesongsan ng Mga Martir. Ang Pamantasan ng Pagtuturo ni Kim Chol Ju ay ipinangalan sa kanya.[6]