Ministop

Ministop Co., Ltd.
Pangalang lokal
ミニストップ株式会社
Minisutoppu Kabushiki-gaisha
UriPampubliko K.K.
TYO: 9946
IndustriyaRetail (convenience stores)
Itinatag21 Mayo 1980; 44 taon na'ng nakalipas (1980-05-21)
Punong-tanggapan,
Dami ng lokasyon
5,459 mga tindahan (2018)
Dami ng empleyado
938 (2018)[1]
MagulangÆON
Websiteministop.co.jp
Isang sangay ng Ministop sa Angeles, Pampanga, Pilipinas

Ang Ministop Co., Ltd. (ミニストップ株式会社, Minisutoppu Kabushiki-gaisha) (TYO: 9946), isang miyembro ng ÆON, na nakakaopera sa chain na franchise ng convenience store sa Ministop sa bansang Hapon. Hindi katulad ng mga convenience store sa Hapon, ang Ministop ay nakapagtinda din ng pangluto na nakakagawa ng mga palamang pampakain, meryenda at take-out na kahong bento sa demanda, at ang mga area ng upuan na kung saan ay nakakaupo at nakakain ng maayos.

Ang mga karaniwang paninda sa tindahan ay mga kagamitan at pagkaing Hapones, tulad ng mga magasin, librong pangkomiks, manga, softdrink, kontraseptibo, onigiri; kasama sa ilang mga serbisyo nito ang pagbabayad ng mga bayarin, pag-photocopy, pagbili ng tiket para sa mga pagtatanghal o kaganapan at paggamit ng ATM. Ang Ministop ay mayroon ding sariling natatanging tatak ng fast food. Nag-iiba ang menu nito alinsunod sa mga promosyon ng panahon at mga kaganapan. Ang isang tipikal na pagpipilian ay maaaring magsama ng mga hotdog, sandwich, panghimagas tulad ng sorbetes, kariman at chūkaman - mga uri ng Siopao na may iba't ibang mga palaman.

Ang Ministop ay nag-oopera rin sa Pilipinas (sa ilalim ng Robinsons Malls[2]), Indonesia, Tsina, Vietnam at Kazakhstan.[3][4]

Ang unang tindahan ng Ministop sa Timog Korea ay nagbukas noong Nobyembre 1990 sa Mok-dong.[5] Noong Oktubre 2017, mayroon nang mga 2418 na sangay ng Ministop.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Corporate Profile". Ministop Co., Ltd. Nakuha noong 31 Agosto 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "ABOUT US: A SUBSIDIARY OF ROBINSONS RETAIL HOLDINGS, INC". Nakuha noong 16 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "The MINISTOP circle is finding new friends around the world". Nakuha noong 16 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Ministop plans Kazakhstan shops". The Japan Times. 15 Mayo 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Pebrero 2014. Nakuha noong 16 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "한국미니스톱(주) 기업정보 | 잡코리아". 한국미니스톱(주) 기업정보 | 잡코리아 (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2020-04-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kawingang panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]