Miss World 1991

Miss World 1991
Petsa28 Disyembre 1991
Presenters
EntertainmentIndecent Obsession
PinagdausanGeorgia World Congress Center, Atlanta, Georgia, Estados Unidos
BrodkasterE!
Lumahok78
Placements10
Bagong saliLupanglunti
Hindi sumali
  • Barbados
  • Ehipto
  • Hong Kong
  • Kanada
  • Kapuluang Cook
  • Luksemburgo
  • Madagaskar
  • Papua Bagong Guinea
  • Peru
  • Sri Lanka
  • Unyong Sobyetiko
Bumalik
  • Antigua at Barbuda
  • Ekwador
  • Libano
  • Malaysia
  • Suwasilandiya
  • Taywan
  • Timog Aprika
NanaloNinibeth Leal
Venezuela Beneswela
← 1990
1992 →

Ang Miss World 1991 ay ang ika-41 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Georgia World Congress Center sa Atlanta, Georgia, Estados Unidos noong 28 Disyembre 1991.[1] Ito ang unang edisyong ginanap sa Kaamerikahan.

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Gina Tolleson ng Estados Unidos si Ninibeth Leal ng Beneswela bilang Miss World 1991.[2] Ito ang ikaapat na beses na nanalo ang Beneswela bilang Miss World. Nagtapos bilang first runner-up si Leanne Buckle ng Australya, habang nagtapos bilang second runner-up si Diana Tilden-Davis ng Timog Aprika.

Mga kandidata mula sa pitumpu't-walong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Peter Marshall at Gina Tolleson ang kompetisyon. Nagtanghal ang Indecent Obsession sa edisyong ito.

Georgia World Congress Center, ang lokasyon ng Miss World 1991

Lokasyon at petsa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Napagdesisyunan ni Owen Oyston, kasosyo ni Eric Morley at pangulo ng Trans World Communications, na ibenta ang Miss World pageant, dalawang taon bago matapos ang kanilang kontrata. Ibinenta ang Miss World matapos na hindi magkasundo sina Oyston at Morley sa stratehiyang gagamitin nila para sa Miss World. Kalaunan ay naibili ng mga Morley ang Miss World.

Noong Mayo 1991, nilagdaan ni Eric Morley ang kasunduan kasama ang Worldwide Television sa Atlanta upang idaos ang edisyong ito sa Republikang Dominikano. Gayunpaman, noong Hulyo 1991, ipinaalam ng Worldwide Television kay Morley na kinailangang ilipat sa Porto Riko ang kompetisyon dahil sa kadahilanang hindi nila kontrolado. Tinaggap ito ni Morley at nilagdaan niya ang isang bagong kasunduang idaraos sa Porto Riko ang kompetisyon, at ang mga paunang aktibidad sa Timog Aprika. Inanunsyo na rin na magaganap ang kompetisyon sa 28 Disyembre 1991.

Gayunpaman, noong 22 Nobyembre, inanunsyo ng mga Morley na ang kompetisyon ay muling ililipat sa Georgia World Congress Center sa Atlanta, Georgia. Naganap pa rin ang kompetisyon noong 28 Disyembre.

Pagpili ng mga kalahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga kalahok mula sa pitumpu't-walong bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Dalawang kandidata ang nailuklok matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.

Iniluklok ang second runner-up ng Miss Hungary 1991 na si Orsolya Anna Michina upang kumatawan sa Unggarya matapos mapatalski si Antónia Bálint bilang Miss Hungary dahil lumitaw ito sa isang men's magazine.[3] Hindi siya pinalitan ng kanyang first runner-up na si Timea Raba dahil sa kaparehong dahilan. Iniluklok si Rebecca Lin Lan-chih bilang kinatawan ng Republika ng Tsina matapos umurong ang orihinal na kalahok na si Lu Shu-Fang dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lumahok sa unang pagkakataon ang teritoryong Lupanglunti sa edisyong ito. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Timog Aprika na huling sumali noong 1977, Antigua at Barbuda na huling sumali noong 1986, Lebanon at Suwasilandiya na huling sumali noong 1988, at Ekwador, Malaysia, at Republika ng Tsina na huling sumali noong 1989.

Hindi sumali sa edisyong ito ang mga bansang Barbados, Ehipto, Hong Kong, Kanada, Kapuluang Cook, Luksemburgo, Madagaskar, Papua Bagong Guinea, Peru, Sri Lanka, at Unyong Sobyetiko. Dapat sanang sasali si Tara Paat ng Kanada, ngunit nagkasakit ito labindalawang araw bago ang kompetisyon. Hindi sumali sina Lamia Mohamed El-Noshi ng Ehipto, Elizabeth Lai ng Hong Kong, Annette Feydt ng Luksemburgo, Marcia Muir ng Papua Bagong Guinea dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hind sumali si Raema Chitty ng Kapuluang Cook at Claudia Figueroa ng Peru dahil sa problema sa pananalapi. Dapat sanang lalahok si Ilmira Shamsutdinova ng Unyong Sobyetiko sa edisyong ito, ngunit dahil sa hindi siya umabot sa age requirement, hindi siya nagpatuloy sa kompetisyon.

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss World 1991 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Miss World 1991
1st runner-up
2nd runner-up
Top 5
Top 10

Mga Continental Queens of Beauty

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kontinente Kandidata
Aprika
Asya at Oseaniya
Europa
  • Turkey Turkiya – Dilek Aslıhan Koruyan
Kaamerikahan
Karibe

Pormat ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tulad noong 1988, sampung semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at mga personal interview na naganap sa Timog Aprika. Lumahok sa swimsuit competition, evening gown competition at casual interview ang sampung mga semi-finalist. Pagkatapos nito ay pinili ang limang pinalista, at kalaunan ay hinirang ang dalawang runner-up at ang bagong Miss World mula sa pinagsamang resulta ng mga hurado sa Timog Aprika at Atlanta.

Komite sa pagpili

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Paunang kompetisyon (mga hurado sa Timog Aprika)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Bruce Fordyce – Atleta mula sa Timog Aprika
  • Krish Mackerdhuj – Pangulo ng South African Cricket Association
  • Marina Maponya – Manggagawang panlipunan sa Timog Aprika; pinsan ni Nelson Mandela
  • Andrea Stelzer – Miss South Africa 1985 at Miss Germany 1989
  • Peter Soldatos – Taga-disenyo
  • Wilma Van De Bijl – Miss South Africa 1987
  • Dawn Weller-Raistrick – Artistic Director ng Johannesburg PACT Ballet

Final telecast (mga hurado sa Atlanta)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Jarvis Astaire – Pangulo ng Variety Club International
  • Jane Ambrose – Australyanang negosyante
  • Paul Block – Pangulo ng Revlon Professional Products
  • Edgar Botero – Pangulo ng International Conic Construction Company sa Kolombya
  • Marie DeGeorge – Taga-disenyo mula sa Atlanta
  • Mike Favre – Tagapag-ensayo ng Atlanta Falcons
  • Phil Hayes – Executive director ng
  • Brenda McLain – Mamahayag sa telebisyon
  • Eric Morley – Tagapagtatag ng Miss World

Tala: Ang mga hurado sa Timog Aprika ang nagsilbing ika-samoung hurado para sa final telecast

Mga kandidata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pitumpu't-walong kandidata ang lumahok para sa titulo.

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Alemanya Alemanya Susanne Petry 18 Saarbrücken
Antigua at Barbuda Antigua at Barbuda Joanne Bird 20 San Juan
Arhentina Arhentina Marcela Noemí Chazarreta 20 Buenos Aires
Aruba Aruba Sandra Croes 23 Santa Cruz
Australya Leanne Buckle 21 Brisbane
Austria Austrya Andrea Isabelle Pfeiffer 18 Graz
New Zealand Bagong Silandiya Lisa de Montalk 21 Taupō
Bahamas Bahamas Tarnia Stuart 19 New Providence
Belhika Belhika Anke van Dermeersch 19 Amberes
Belize Belis Josephine Gault 21 Lungsod ng Belis
Venezuela Beneswela Ninibeth Leal 20 Maracaibo
Brazil Brasil Cátia Silene Kupssinskü 20 São Paulo
Bulgaria Bulgarya Liubomira Slavcheva 17 Sofia
Bolivia Bulibya Mónica Gamarra 20 Cochabamba
Curaçao Curaçao Nashaira Desbarida 23 Willemstad
Czechoslovakia Czechoslovakia Andrea Tatarkova 20 Košice
Denmark Dinamarka Sharon Givskav 17 Copenhague
Ecuador Ekwador Sueanny Bejarano 20 Guayaquil
El Salvador El Salvador Lucía Beatriz López 22 San Salvador
Espanya Espanya Catia Moreno 20 Tenerife
Estados Unidos Estados Unidos Charlotte Ray 25 Voorhees
Ghana Gana Jamilla Danzuru 23 Accra
Greece Gresya Miriam Panagos 20 Atenas
Guam Guam Yvonne Speight 19 Asan
Guatemala Guwatemala Marlyn Lorena Magaña 20 Lungsod ng Guatemala
Jamaica Hamayka Sandra Foster 21 Kingston
Hapon Hapon Junko Tsuda 21 Tokyo
Gibraltar Hibraltar Ornella Costa 17 Hibraltar
Honduras Honduras Arlene Rauscher 19 Tegucigalpa
India Indiya Ritu Singh 20 New Delhi
Irlanda (bansa) Irlanda Amanda Brunker 18 Dublin
Israel Israel Li'at Ditkovsky 19 Nordia
Italya Italya Sabina Pellati 19 Reggio Emilia
Kapuluang Birheng Britaniko Kapuluang Birheng Britaniko Marjorie Penn 18 Tortola
United States Virgin Islands Kapuluang Birhen ng Estados Unidos Cheryl Milligan 20 St. Croix
Cayman Islands Kapuluang Kayman Yvette Jordison 19 Grand Cayman
Kenya Kenya N'kirote Karimi M'mbijjiwe 21 Meru
Colombia Kolombya Adriana Rodríguez 20 Bogota
Costa Rica Kosta Rika Eugenie Jiménez 20 San Francisco de Heredia
Latvia Letonya Inese Šlesere 19 Riga
Lebanon Libano Diana Begdache 20 Beirut
Lupanlunti Lupanglunti Bibiane Holm 18 Nuuk
Iceland Lupangyelo Svava Haraldsdóttir[4] 19 Reikiavik
Makaw Cristina Guilherme Lam 20 Makaw
Malaysia Malaysia Samantha Schubert 22 Kuala Lumpur
Malta Malta Romina Genuis 18 Gzira
Mauritius Mawrisyo Marie Geraldine Deville 18 Centre de Flacq
Mexico Mehiko María Cristina Urrutia 19 Lungsod ng Mehiko
South Africa Namibya Michelle McLean 19 Windhoek
Niherya Niherya Adenike Oshinowo 24 Lagos
Norway Noruwega Anne-Britt Røvik 18 Molde
Netherlands Olanda Linda Egging 21 Stramproy
Panama Panama Malena Betancourt 19 Lungsod ng Panama
Paraguay Paragway Vivian Benítez 21 Asuncion
Pilipinas Pilipinas Gemith Gemparo 19 Katowice
Finland Pinlandiya Nina Autio 20 Tampere
Poland Polonya Karina Wojciechowska 19 Katowice
Puerto Rico Porto Riko Johanna Irizarry 20 Lajas
Portugal Portugal Maria do Carmo Ramalho 20 Lisbon
Pransiya Pransiya Mareva Georges 22 Punaauia
Republikang Dominikano Republikang Dominikano Rosanna Rodríguez 21 Concepción de La Vega
Taiwan Republika ng Tsina Rebecca Lin Lan-chih 23 Taipei
United Kingdom Reyno Unido Joanne Elizabeth Lewis 21 Mansfield
Romania Rumanya Gabriela Dragomirescu 20 Bucharest
Singapore Singapura Jasheen Jayakody 18 Singapura
Eswatini Suwasilandiya Jackie Emelda Bennett 20 Manzini
Suwesya Suwesya Catrin Olsson 23 Kungsbacka
Switzerland Suwisa Sandra Aegerter 22 Aargau
Thailand Taylandiya Rewadee Malaisee 21 Bangkok
South Africa Timog Aprika Diana Tilden-Davis 22 Johannesburg
Timog Korea Timog Korea Kim Tae-hwa 20 Busan
Trinidad at Tobago Trinidad at Tobago Sastee Bachan 21 Port of Spain
Chile Tsile Carolina Michelson 23 Santiago
Cyprus Tsipre Anna Margaret Stephanou 18 Nicosia
Turkey Turkiya Dilek Aslıhan Koruyan 19 Istanbul
Hungary Unggarya Orsolya Michina 19 Budapest
Uruguay Urugway Andrea Regina Gorrochategui 23 Montevideo
Sosyalistang Pederal na Republika ng Yugoslavia Yugoslavia Slavica Tripunović 20 Vukovar
  1. Mga edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Casi un centenar de bellas mujeres". La Nacion (sa wikang Kastila). 17 Disyembre 1991. p. 48. Nakuha noong 24 Enero 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "New Miss World is crowned". The Dispatch (sa wikang Ingles). 30 Disyembre 1991. pp. 2A. Nakuha noong 8 Enero 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Hat évig harcolt a koronájáért Bálint Antónia" [Antónia Bálint fought for her crown for six years]. Blikk (sa wikang Unggaro). 12 Nobyembre 2013. Nakuha noong 9 Enero 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Líklegur arftaki Lindu Pétursdóttir" [A likely successor to Linda Pétursdóttir]. Morgunblaðið (sa wikang Islandes). 5 Mayo 1991. p. 6. Nakuha noong 10 Hulyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Timarit.is.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]