Mojacko Mojacko | |
モジャ公 | |
---|---|
Dyanra | Komedya, Pantasya, Sci-fi |
Manga | |
Kuwento | Fujiko F. Fujio |
Magasin | Bokura (lingguhan) |
Teleseryeng anime | |
Direktor | Tetsuya Endo |
Estudyo | OLM (Oriental Light & Magic) Inc. |
Inere sa | TV Tokyo |
Ang Mojacko ay isang manga na shōnen na likha ni Fujiko F. Fujio na siya ring lumikha ng sikat na mangang Doraemon. Nailimbag sa lingguhang babasahin na pinamagatang Bokurano Weekly ng Kodansha. Ito ay isina-telebisiyon bilang isang programang anime at pinalabas ng TV Tokyo sa Hapon mula 3 Oktubre 1995 hanggang 31 Marso 1997. Ang Mojacko ay pinalabas sa Pilipinas sa GMA Network.
Minsang nilisenya ito ng Enoki Films sa labas ng Hapon.[1]
Ang Mojacko ay tungkol sa mga nakakatawang paglalakbay nina Sorao, Mojacko at Dono sa kalawakan. Una silang nagtagpo nang maiwan sa daigdig ang taga-ibang planetang si Mojacko at ang robot niyang si Dono.