Owen Lovejoy

Owen Lovejoy
Para sa kapatid ni Owen Lovejoy, tingnan ang Elijah Parish Lovejoy.

Si Owen Lovejoy[1] (Enero 6, 1811Marso 25, 1864) ay isang Amerikanong manananggol, ministrong Kongregasyonal, abolisyonista, at Republikanong kongresista. Kapatid si Owen ni Elijah Parish Lovejoy. Tinatawag din ang dalawa bilang Lovejoy brothers, ang magkapatid na lalaking Lovejoy.[1]

Isa siyang kinatawan sa Kongreso mula 1857 hanggang 1864 na sumulat ng isang panukalang batas para sa pagaalis ng gawaing pang-aalipin sa lahat ng mga teritoryo ng Estados Unidos.[1] Isa rin siyang tinatawag na "konduktor" sa "pangilalim na riles ng tren" (tawag sa patagong samahan ng mga abolisyonista). Pinaslang ang kaniyang kapatid, si Elijah Parish Lovejoy na isang Presbiteryanong ministrong laban sa pang-aalipin, noong gabi ng Nobyembre 7, 1837 habang sinusubukan niyang sagipin ang isang pag-aaring palimbagan ng Illinois Anti-Slavery Society mula sa galit na mga grupo ng mamamayan. Sinasabi na nanumpa si Owen Lovejoy sa puntod ng kaniyang kapatid ng katagang "huwag ipagwalang-bahala ang mithiin na nasabuyan ng dugo ng aking kapatid."[2][3] Pinsan din siya ng senador ng Maine na si Nathan A. Farwell.

Isang ispker na pangplataporma si Lovejoy na nagtaguyod kay Abraham Lincoln sa natatangging mga pakikipagdebate kay Stephen Douglas. Nahalal si Lovejoy mula sa Illinois bilang Kinatawan para sa Ika-35 Kongreso ng Estados Unidos at iba pang sumunod ng mga Kongreso, nanilibihan mula Marso 4, 1857, hanggang sa kaniyang kamatayan. Isa siyang pinagkakatiwalaang sinasabihan ng mga lihim ni Abraham Lincoln sa loob ng ilang mga dekada at isa sa mga ilang matalik at kongresyonal na tagapagtangkilik ni Lincoln noong panahon ng Digmaang Sibil ng Amerika. Isinulat ni Lincoln: "Hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan, bahagya lamang ang pagkakaroon ng kamalian kung sasabihing, siya ang pinakamapagbigay kong kaibigan."[3][4]

Isinilang siya sa Albion, Maine, at nagtapos ng pag-aaral mula sa Kolehiyong Bowdoin noong 1832. Naglingkod siya bilang pastor ng Simbahang Kongregasyonal sa Princeton, Illinois mula 1839 hanggang 1856. Namatay siya sa Brooklyn, New York, at inilibing sa Sementeryong Oakland, sa Princeton.

Pinananatili at pinangangalagaan ng lungsod ng Princeton ang kaniyang tahanan, ang Kabahayang Owen Lovejoy dahil sa mga kadahilanang pangkasaysayan. Bukas ito sa publiko para makita. Dating bahagi ng Underground Railroad ang kaniyang bahay kaya't mayroon itong isang lihim na kublihang-silid para sa mga nagtatagong mga alipin. Itinalagang isang Pambansang Makasaysayang Pook ang tahanan noong 1997.

Mayroon ding isang monumento para sa kaniya, ang Estadong Memoryal na Lovejoy.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 "Lovejoy brothers, Elijah Parish Lovejoy, Owen Lovejoy". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Salin mula sa Ingles na: (...) "never forsake the cause that had been sprinkled with my brother's blood." (...)
  3. 3.0 3.1 Sandburg, Carl (1954). Abraham Lincoln: The Prairie Years and The War Years. p64: Harvest. ISBN 0-15-602611-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location (link)
  4. Salin mula sa Ingles: "To the day of his death, it would scarcely wrong any other to say, he was my most generous friend."

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]