Ang Sentro ng Pambansang Sining (NAC) (Ingles: National Arts Center) ay isang santuwaryo para sa mga bata at nagsusumikap na Pilipinong artista na nasa paanan ng Bundok Makiling, Los Baños, Laguna, Pilipinas at kasalukuyang pinamunuan ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.
Ang Sentro ay itinatag noong 1976 ng Unang Ginang Imelda Marcos bilang isang duungan para sa para sa mga bata at naghahangad na maging artista. Ang mga sari-saring gusali at pasilidad ay nakakalat sa 13.5 ektarya ng Pataang Kagubatan ng Makiling (Makiling Forest Reservation) at nagbabahay ng Mataas na Paaralan para sa Sining ng Pilipinas, isang institusyon ng mataas na paaralan na pinapatakbo ng pamahalaan para sa mga batang may angking-talino sa iba't ibang larangan ng sining.
Ang Pugad Adarna (Bahay Tagapagpaganap) ay binubuo ng maraming nag-uugnayang gusali na pinapaligiran ng languyan at hardin. Nasa ibabaw ng tagudtod, bawat lugar ng mga siyam na silid ay may tambusan kung saan matatanaw ang Lawa ng Laguna, Bundok Makiling, mga malalapit na bayan at kahit ang matataas na gusali ng Makati at Ortigas. Naaakma bilang pasyalang panlibangan ng pamilya at pagtitipon, ang lugar ay may kusina at silid-kainan rin / bulwagan ay maaaring gawing bulwagang kaganapan (function hall). Lahat ng mga silid-tulugan ay may airkondisyon na may mga pangisahang palikuran. Ang palanguyan ay tanging ginagamit lamang sa mga panauhin ng Bahay Tagapagpaganap. Ipinangalan ito mula sa Ibong Adarna, isang nilalang pangmitolohiya ng Pilipinas.
Ang Pugad Aliguyon (Mga Kabanyang Marvilla) ay mga buwig ng kabanya na kumakawing sa lakarang-daan. Bawat kabanya ay may ay may dalawang silid na may nag-babagu-bagong sukat ng naikakarga ng higaan at isang tambusan kung saan matatanaw lamang ang mga pumapaligid na gubat. Pinaglaanan na may mga bentilador sa itaas, mga aparador, at palikuran sa bawat silid, ang mga kabanya ay nakapaglaan hanggang 98 katao. Ang lugar ay ginagamit para sa nanunuluyang panauhin sa seminar, nagninilay-nilay, mga kumbensiyon, at iba pang gawain na isinasagawa ng mga malalaking pangkat.
Ang Bulwagang Sarimanok (Bahay-samahan), ay may malaking bulwagan na nakagamit nang panghalimbawa ng mga resepsiyong pangkasal, mga seminar, at mga kumperensiya. Ang buong anyo nito ay napupuno ng mga gamit ng mga bato sa kanyang malawakang haligi at kahoy na sumasaklaw nang lahat, na itinatampok ang rustikong dating ng kapaligiran. Ang malasalaming dingding na bulwagan ay napapaligiran ng tambusan kung saan maaaring mangasiwa ng mga pulong ng pangkat, kumain nang al fresco, o makita ang kamangha-manghang tanawin ng Lawa ng Laguna at mga tagiliran ng bundok. Ito ay may maluwag na kusina at bahay-panuluyan na mayb dalawang silid-tulugan sa mesanina, na natatanaw ang nakaparket na bulwagan.
Ang Tanghalang Maria Makiling (Tanghalan sa Labas), ay ang natatanging gusali ng NAC na makikita mula sa mga malalapit na bayan dahil sa kanyang anyong-talampas na nakalulan sa kalagitnaan. Nakakayanang makita nang 360 antas ang nakapaligid na lugar, kabilang dito ang Pulo ng Buwaya, Pulo ng Talim, Lawa ng Buwaya at kung maaliwalas ang panahon, Bundok Banahaw at mga bundok sa Rizal. Ang tanghalan sa labas/awditoryum ay kasiya-siya para sa mga konsyerto at kumbensiyon. Ito ay may kakayahang maglulan ng 1,800, kasama ang mga lantad na upuan gawa sa kongkreto sa labas ng tanghalan. Ipinangalan ito mula kay Maria Makiling, isang mapang-akit na engkantada ng mitolohiyang Pilipino na napapaniwalaang nakatira sa paanan ng Bundok Makiling.
Nasa gitna ng mga matatayog na puno at malagong halamang panggubat, ang Kapilya ng San Marko ay naakmang lugar ukol sa pagmumuni-muni at pagninilay-nilay. Ito'y isang gusali na walang dingding at kumakawing nang tuwiran sa mga pumapaligid na hardin. Dinisenyo ng Pambansang Alagad ng Sining na si Leandro Locsin, ang Kapilya ay isang di-pangkaurian lulan ng pagsamba.