Mataas na Paaralang Pang-agham ng Pilipinas | |
---|---|
Impormasyon | |
Itinatag | 1964 |
Executive Director | Lilia T. Habacon[1] |
Number of students | 9,317 (Panuruang Taon 2020-2021)[2] |
Campus | 16 |
Accreditation | ISO:2015 Accredited |
Affiliation | Kagawaran ng Agham at Teknolohiya |
Website | pshs.edu.ph |
Ang Sistemang Mataas na Paaralang Pang-agham ng Pilipinas (Philippine Science High School System sa Ingles) ay pangkat ng mga pampublikong mataas na paaralan sa Pilipinas na pinatatakbo ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya na may partikular na pagtuon sa pananaliksik at pagsasanay sa larangan ng agham at teknolohiya. [3]
Ginagawaran ng scholarship ng ahensya ang mga mag-aaral na Pilipinong may angking husay sa agham at matematika. Ang pagkakatanggap sa MPAP ay dinaraan sa pamamagitan ng Pambansang Paligsahang Pagsusulit[4] na bukas lamang sa mga mamamayang Pilipino. Itinatakda sa kontrata na pinipirmahan ng bawat iskolar sa pagsisimula ng kanilang pag-aaral sa MPAP na sila ay kumuha ng kurso sa kolehiyo na may kinalaman sa larangan ng agham pangkalikasan, sipnayan, o inhinyeriya.[5]
Sa unang 24 taon nito, iisa lamang ang kampus ng MPAP, ang kasalukuyang Main Campus sa lungsod Quezon. Kalaunan, bawat rehiyon sa Pilipinas[6], maliban sa Bangsamoro[7], ay may kampus.
Kampus | Lokasyon | Taon ng Pagkatatag | Direktor |
---|---|---|---|
Main Campus (NCR) | Agham Road, Diliman, Lungsod Quezon | 1964 | Lawrence V. Madriaga |
Timog Mindanao (XI) | Sto. Niño, Tugbok District, Lungsod ng Dabaw | 1988 | Jonald P. Fenecios |
Silangang Visayas (VIII) | Pawing, Palo, Leyte | 1992 | Yvonne M. Esperas |
Kanlurang Visayas (VI) | Bito-on, Jaro, Lungsod ng Iloilo | 1992 | Shena Faith M. Ganela |
Lambak ng Cagayan (II) | Masoc, Bayombong, Nueva Vizcaya | 1998 | Erick John H. Marmol |
Gitnang Mindanao (X) | Nangka, Balo-i, Lanao del Norte | 1998 | Franklin L. Salisid |
Bikol (V) | Tagongtong, Goa, Camarines Sur | 1998 | Lorvi B. Pagorogon |
Ilokos (I) | San Ildefonso, Ilocos Sur | 2002 | Dr. Ronnalee N. Orteza |
Gitnang Visayas (VII) | Talaytay, Argao, Cebu | 2005 | Dr. Rachel Luz V. Rica |
Rehiyong Administratibo ng Cordillera (RAC) | Purok 12, Lime Kiln, Irisan, Baguio | 2009 | Edward C. Albaracin |
Gitnang Luzon (III) | Lily Hill St., Clark Freeport Zone, Lungsod ng Angeles, Pampanga | 2009 | Theresa Anne O. Diaz |
Soccsksargen (XII) | Paraiso, Koronadal City, South Cotabato | 2012[8] | Edman Gallamaso |
Caraga (XIII) | Ampayon, Butuan, Agusan del Norte | 2013 | Engr. Ramil A. Sanchez |
CALABARZON (IV-A) | Sampaga, Lungsod ng Batangas | 2015 | Jose M. Andaya Jr. |
Tangway ng Zamboanga (IX) | Cogon, Dipolog | 2015 | Chuchi Garganera |
MIMAROPA (IV-B) | Rizal, Odiongan, Romblon | 2016 | Romeo C. Ongpoy, Jr. |
Ang Lupon ng mga Katiwala (Board of Trustees) ang pinakamataas na tagapagpatupad ng patakaran. Sa ibaba nito ay ang Komiteng Tagapagpaganap (ExeCom) na binubuo ng mga direktor ng iba't ibang kampus ng MPAP na nagbibigay ng mga rekomendasyon at mungkahing mga patnubay sa para sa kanilang pagpapatibay.[9]
Itinatag ang Mataas na Paaralan ng Agham sa Pilipinas sa pamamagitan ng Batas ng Republika 3661 na inakda ng kongresistang si Virgilio Afable at nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal noong 1963.[10] Nakasaad dito ang tungkulin ng MPAP na "mag-alok ng libreng pag-aaral sa antas ng mataas na paaralan nang may pagdiin sa mga asignaturang kaugnay sa paghahanda ng mga mag-aaral nito sa landas ng larangan ng agham."
Ang unang kampus ay nagsimulang umiral sa isang loteng pag-aari ng GSIS malapit sa Quezon Memorial Circle noong ika-5 ng Setyembre, 1964, sa pamumuno ng Pambansang Alagad ng Agham na si Gregorio Velasquez.[11][12] Noong 1970, lumipat ito sa kasalukuyang pwesto ng Main Campus sa Kalsada ng Agham sa Diliman, Quezon City.
Pagsapit ng dekada 1980, nagsimulang lumaganap ang MPAP sa iba't ibang rehiyon sa bansa. Itinatag ang unang rehiyunal na kampus sa lungsod ng Davao noong 1988[13] at sinundan ng kampus sa Iloilo noong 1993[14], ang unang kampus sa kabisayaan. Pagsapit ng 1998 ay mayroon nang pitong kampus sa buong kapuluan.
Upang magkaroon ng nagkakaisang pamantayan at pambansang pamunuan ang bawat kampus, nilagdaan ng pangulong Fidel V. Ramos noong 1997 ang Batas ng Republika 8496 o ang Batas ng Sistema ng MPAP.[15]
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]

: |last=
has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
{{cite web}}
: External link in |title=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]

{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: |last=
has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)