Spoliarium

Spoliarium
Alagad ng siningJuan Luna
Taon1884
TipoLangis sa ibabaw ng poplar
KinaroroonanPambansang Museo ng Pilipinas

Ang Spoliarium ay ipininta ng kilalang mahusay na pintor na si Juan Luna. Ang Spoliarium ay ipinasa ni Juan Luna sa Exposición Nacional de Bellas Artes noong 1884, kung saan ito ay pinarangalan ng gintong medalya. Noong 1886, ito ay ipinagbili sa Diputación Provincial de Barcelona sa halagang 20,000 pesetas. Ito ay kasalukuyang nakasabit o nakalagay sa main gallery ng unang palapag ng Pambansang Museo ng Pilipinas.

Ang pinturang ito ay tumutukoy sa mga pangyayari sa sinaunang Roma, na kung saan ang mga patay o mga natatalong mga mandirigma o Gladiator ay sinusunog, sa pintura ay mapapansin ang mga taong nanunuod sa paghila sa mga patay at malubhang mga mandirigma, at sa kanang bahagi ng pintura ay may isang babae na hinahanap ang mga labi ng kanyang asawa.

Ang pinturang ito ay may pasaring sa pamahalaang Espanya sa mga hindi magagandang pagtrato ng mga Kastila sa mga Pilipino.