Ang Zenmai Zamurai (Hapones: ぜんまいざむらい, lit. 'Samurai na may Pihitan') ay isang pambatang teleseryeng anime mula sa Hapón na ginawa ng tambalang Momoko Maruyama at Ryoutarou Kuwamoto sa ilalim ng pangalang m&k at prinodyus ng A-1 Pictures at Noside. Una itong ipinalabas sa NHK E mula Abril 2006 hanggang Pebrero 2009, at nagkaroon ng 215 episode na hinati sa tatlong season. Tipikal na limang minuto ang haba ng bawat episode nito. Simula sa ikalawang season nito, nagkaroon din ng mga episode na may sampung minutong haba. Umiikot ang kuwento ng serye sa titular na karakter nito, na naatasan ng Diyos ng Suwerte na labanan ang mga masasamang tao gamit ang kanyang espadang gawa sa dango, isang tradisyonal na panghimagas sa Hapon, bilang kapalit ng pagbuhay nito muli sa kanya.
Zenmai Zamurai | |
ぜんまいざむらい | |
---|---|
Dyanra | Pambata |
Teleseryeng anime | |
Direktor | Tetsuo Yasumi |
Prodyuser | Akira Yoshizawa Masuo Ueda |
Musika | Jun Miyake SUN.SALT&TIME |
Estudyo | A-1 Pictures Noside |
Inere sa | NHK E |
Takbo | 3 Abril 2006 – 6 Pebrero 2009 |
Bilang | 215 + 4 SP |
Nakasentro ang kuwento sa lungsod ng Karakuri Oedo (lit. na 'Edo na may Pihitan'), isang alternatibong paglalarawan sa Tokyo kung hindi naganap ang modernisasyon noong panahong Meiji. Mahilig si Zennosuke sa dango, na umabot sa puntong nagnakaw siya nito mula sa isang tindahan. Nahulog siya sa isang balon at namatay. Binuhay siya ng diyos ng suwerte, at nilagay ang isang pihitan sa ulo niya. Kung pipihit ito, mamamatay si Zennosuke. Para mapigilan ito, kailangan niyang gumawa ng mga mabubuting gawain. Sinabi ng diyos kay Zennosuke na kung makakagawa siya ng 108 mabubuting gawain, makakalaya na siya mula sa kanya at makakabalik na siya sa pagiging tao. Binigay ng diyos sa kanya ang isang espadang gawa sa dango, at naging si Zenmai Zamurai. Ginagamit niya ang espada sa pamamagitan ng pagbigay sa mga masasamang tao ng dango na mula sa espada. Kapag kinain nila ito, nagiging masaya at mabait sila, nagsisisi sa mga masasamang ginawa nila, at nagiging mga mabubuting tao.[1]
Nanggaling ang ideya ng Zenmai Zamurai mula kina Momoko Maruyama at Ryoutarou Kuwamoto, sa ilalim ng pangalang pantambalan na m&k . Si Tetsuo Yasumi ang nagdirek sa serye, samantalang si Kazumi Nonaka ang punong direktor nito. Si Noriko Akiho ang nagdisenyo sa mga karakter, samantalang sina Jun Miyake at SUN.SALT&TIME naman ang namahala sa musika. Ang animasyon nito ay prinodyus ng A-1 Pictures, ang kanilang pinakaunang gawa simula noong itinatag sila noong 2005. Tumulong din sa produksiyon ang Noside . Ang pambungad na tema ng serye ay "Zenmai Zamurai no Uta" (Hapones: ぜんまいざむらいのうた, lit. 'Ang Awit ni Zenmai Zamurai') na kinanta ni Chaka . Dalawang kanta naman ang ginamit bilang pangwakas na tema nito: "Zenmai na Jinsei" (Hapones: ぜんまいな人生, lit. 'Mala-kuwerdas na Buhay') na kinanta ni Kyoko Katsunuma, at "Zenmai Chacha" (Hapones: ぜんまいチャチャ) na kinanta naman ni Yukiji.[2][3]
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)