Fireball Roberts

Si Edward Glenn "Fireball" Roberts, Jr. (20 Enero 1929 - 2 Hulyo 1964), ang tagapagmaneho ng NASCAR Grand National Series mula 1950 hanggang sa kanyang kamatayan.

Personal na Impormasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Edward Glenn Roberts ay isinilang sa bayan ng Tavares sa Florida noong 20 Enero 1929 bago siya tumira sa Apopka, Florida, kung saan siya ay interesado sa kotseng karera at beysbol. Siya ang tagahagis ng bola para sa Zellwood Mud Hens, ang koponan ng beysbol sa Amerikanong Lehiyon, kung saan niya nakuha ang palayaw na "Fireball" dahil sa kanyang paghahagis ng bola. Siya nakalista sa Unites States Army Air Corps noong 1945, ngunit siya ay pinaalis dahil sa sakit na Asthma.

Siya ay nagaaral minsan sa Unibersidad ng Florida, ngunit siya ay nagkakarera sa maduming karerahan kapag Sabado at Linggo. Si Fireball Roberts ay nagsimula ng pagkakarera sa Daytona Barch, Florida sa gulang na 18 noong 1947 at nagsimula ng pagkakarera sa NASCAR Grand National Series noong 1950. Siya ay may 33 na panalo at 35 na pole positions.

Aksidente at Kamatayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 24 Mayo 1964 nasugatan at nasunugan si Roberts sa isang seryosong aksidente sa lap 7 ng World 600 sa Charlotte Motor Speedway sa Concord, Hilagang Carolina at dinala siya sa isang ospital ng Charlotte Memorial Hospital sa Charlotte. Noong 30 Hunyo 1964, siya ay nagkasakit ng Pneumonia, Sepsis (panglalason sa dugo) at lagnat ngunit nagkararoon siya ng coma noong gabi ng Hulyo 1. Namatay siya sa komplikasyon sa natamong sugat dahil sa aksidente noong 2 Hulyo 1964 matapos ang anim na linggong paggagamot sa ospital dahil sa seryosong aksidente. Hinatid siya sa huling hantungan sa Bellevue Memorial Park (tinatawag na ngayong Daytona Memorial Park) sa kanyang tahanan na pinagtitirahan sa Daytona Beach.

Pagkaraan ng kanyang kamatayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1990 siya ay hinalal sa International Motorsports Hall of Fame. Noong 1998 pinangaralan si Roberts bilang 50 Sikat na Tagapagmaneho ng NASCAR at noong 2000 ang lungsod ng Concord ang kalye na malapit sa Lowe's Motor Speedway ay ipinangalan kay Roberts para sa kanyang pangaral.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.