Ang Miss World 1979 ay ang ika-29 na edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Royal Albert Hall sa Londres, Reyno Unido noong 15 Nobyembre 1979.[1][2] Ito ang huling edisyon ng kompetisyon na ginanap sa ilalim ng pagmamay-ari ng Grand Metropolitan, at ang huling edisyon na isinahimpapawid sa BBC.[3][4]
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Silvana Suárez ng Arhentina si Gina Swainson ng Bermuda bilang Miss World 1979.[5][6] Ito ang kauna-unahang beses na nanalo ang Bermuda bilang Miss World.[7][8] Nagtapos bilang first runner-up si Carolyn Seaward ng Reyno Unido,[9] habang nagtapos bilang second runner-up si Debbie Campbell ng Hamayka.[10][11]
Mga kandidata mula sa pitumpung bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Esther Rantzen at Sacha Distel ang kompetisyon.[12] Nagtanghal din si Distel sa edisyong ito.[13]
Nagpatuloy ang pagdaos ng Miss World noong 15 Nobyembre 1979 bagama't hindi ito isinahimpapawid sa telebisyon dulot ng isang 24-hour strike ng apatnapung sound engineer ng BBC dahil sa matinding pagbawas sa badyet ng BBC.[10][14] Sa halip ay isinahimpapawid ito sa isang delayed telecast kung saan isinahimpapawid ang recording ng parada ng mga kandidata sa kanilang pambansang kasuotan at evening gown.[15]
Ipinalabas din sa delayed telecast ang swimsuit competition at evening gown competition na nilahukan ng labinlimang semi-finalist, ang pag-anunsyo sa pitong mga pinalista, at ang koronasyon, ngunit ang mga ito ay walang tunog at nilagyan na lamang ng komentaryo ni Ray Moore. Dahil walang tunog ang video footage ng final telecast, hindi na ipinakita ang final interview ng pitong pinalista kasama si Sacha Distel.
Mga kandidata mula sa pitumpung bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Walong kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang mga bansa/teritoryo matapos maging runner-up sa kanilang pambansang kompetisyon, o napili sa isang casting process.
Huli na nang dumating si Helen Prest ng Niherya sa Londres dahil kinuha niya ang kanyang mga pagsusulit sa University of Lagos.[16] Siya ay nakarating sa Londres noong 13 Nobyembre, at ang huling araw sa pagtanggap ng mga kandidata ay noong 11 Nobyembre pa.[17] Nang dumating si Prest sa Britannia Hotel, nasa kasagsagan ng isang selebrasyon sina Morley dahil sa pagkuha nito ng Miss World mula sa Mecca, at dahil dito ay pinayagan ni Morley si Prest na makalahok sa kompetisyon. Nagpatuloy ang dress rehearsal sa gabing iyong na dinaluhan ni Prest, at dahil huling dumating si Prest sa Londres, nilagay na lamang si Prest sa huli ng parada para sa parade of nations, kasunod ng kandidata mula sa Kapuluang Birhen ng Estados Unidos.
Naging usap-usapan din si Tatiana Capote ng Beneswela habanag nagaganap ang kanilang dress rehearsal, nang muntik nang makitaan si Capote sa kanyang asul na damit panglangoy.[18][19][20] Kaaagad na inagapan ni Eric Morley ang kaganapan.[21][22]
Lumahok sa unang pagkakataon ang bansang Lesoto. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Portugal na huling sumali noong 1973, Guwatemala na huling sumali noong 1976, at Bulibya, Libano, at Panama na huling sumali noong 1977.
Hindi sumali ang mga bansang Curaçao, San Vicente, at Tunisya sa edisyong ito. Hindi sumali si Cassandra Thomas ng San Vicente dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi sumali ang Curaçao at Tunisya sa edisyong ito matapos na mabigo ang kanilang organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok. Dapat rin sanang lalahok si Molly Misbut ng Papua Bagong Guinea ngunit hindi ito nakalipad papuntang Londres dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[23][24]
Tulad noong 1961, labinlimang semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon na ginanap sa araw ng pinal na kompetisyon na binubuo ng swimsuit at evening gown competition. Lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang labinlimang mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang pitong pinalista na sumabak sa final interview.
↑"Bermudan wins Miss World title". The Press-Courier (sa wikang Ingles). 16 Nobyembre 1979. p. 2. Nakuha noong 20 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Millions to see Miss World". Spokane Daily Chronicle (sa wikang Ingles). 15 Nobyembre 1979. p. 12. Nakuha noong 21 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑Robinson, Anne (16 Nobyembre 1979). "1979–A vintage year for wine girl Gina..."Liverpool Echo (sa wikang Ingles). p. 8. Nakuha noong 1 Hunyo 2023 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑ 10.010.1"Bermudian is chosen Miss World". The Lewiston Daily Sun (sa wikang Ingles). 16 Nobyembre 1979. p. 8. Nakuha noong 21 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Island girls triumph in beauty stakes". The Straits Times (sa wikang Ingles). 17 Nobyembre 1979. p. 40. Nakuha noong 22 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
↑Foster, Paul (15 Nobyembre 1979). "TV Times". Evening Times (sa wikang Ingles). p. 2. Nakuha noong 21 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Ieri sera a Londra, sconfitta la torinese" [Last night in London, the Turin team defeated]. La Stampa (sa wikang Italyano). 16 Nobyembre 1979. p. 5. Nakuha noong 21 Abril 2024.
↑"Bermuda coed is elected Miss World". Schenectady Gazette (sa wikang Ingles). 15 Nobyembre 1979. p. 47. Nakuha noong 20 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"One miss will be missing..."Evening Times (sa wikang Ingles). 13 Nobyembre 1979. p. 3. Nakuha noong 20 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
↑"Undress rehearsal". Evening Times (sa wikang Ingles). 15 Nobyembre 1979. p. 3. Nakuha noong 21 Abril 2024.
↑"Tatiana shows her charms". The Straits Times (sa wikang Ingles). 16 Nobyembre 1979. p. 8. Nakuha noong 22 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
↑"Neckline takes plunge". Toledo Blade (sa wikang Ingles). 14 Nobyembre 1979. p. 3. Nakuha noong 21 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
↑"Show". Lakeland Ledger (sa wikang Ingles). 16 Nobyembre 1979. p. 2. Nakuha noong 21 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
↑"S. Africa and govts' 'double standards'". New Nation (sa wikang Ingles). 4 Oktubre 1979. p. 4. Nakuha noong 20 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
↑"The Drum". Papua New Guinea Post-Courier (sa wikang Ingles). 3 Hulyo 1979. p. 3. Nakuha noong 27 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
↑ 26.026.1"Miss Bermuda, 21, named Miss World". Sarasota Herald-Tribune (sa wikang Ingles). 16 Nobyembre 1979. p. 6. Nakuha noong 21 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"1979 winner numb with joy". The Sydney Morning Herald (sa wikang Ingles). 18 Nobyembre 1979. p. 4. Nakuha noong 22 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
↑"Latin beauties". New Nation (sa wikang Ingles). 12 Nobyembre 1979. p. 6. Nakuha noong 20 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
↑"Quest conquest". The Canberra Time (sa wikang Ingles). 20 Setyembre 1979. p. 1. Nakuha noong 20 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
↑"Miss Bermuda named Miss World". Daytona Beach Morning Journal (sa wikang Ingles). 16 Nobyembre 1979. p. 34. Nakuha noong 20 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google News Archive.
↑"Close links". The Canberra Times (sa wikang Ingles). 13 Nobyembre 1979. p. 6. Nakuha noong 20 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
↑"Erelijst Miss België". De Morgen (sa wikang Olandes). 11 Enero 2010. Nakuha noong 24 Disyembre 2022.
↑"Miss World cover-up". The Canberra Times (sa wikang Ingles). 16 Nobyembre 1979. p. 5. Nakuha noong 20 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
↑"MARDI GRAS COMES TO LONDON". The Straits Times (sa wikang Ingles). 12 Nobyembre 1979. p. 4. Nakuha noong 20 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
↑Perdriel, Gabriela Arandia (2 Hunyo 2015). "Bienvenida de una belleza, Patricia" [Welcome from a beauty, Patricia]. Eju.tv (sa wikang Kastila). Nakuha noong 20 Abril 2024.
↑ 45.045.1"'Arresting' pose by Miss Thailand". The Straits Times (sa wikang Ingles). 5 Nobyembre 1979. p. 3. Nakuha noong 20 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
↑"Ambitions of the Miss World aspirants". The Straits Times (sa wikang Ingles). 16 Nobyembre 1979. p. 8. Nakuha noong 20 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
↑Castro Yanes, Narciso (29 Oktubre 1979). "Una cartagenera a Londres" [A Cartagena to London]. El Tiempo (sa wikang Kastila). p. 39. Nakuha noong 21 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
↑"Áttakeppa um titilinn Ungfrú ísland". Dagblaðið (sa wikang Islandes). 12 Nobyembre 1979. p. 1. Nakuha noong 22 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Timarit.is.
↑"Dat is Holland, nietwaar?" [That's Holland, isn't it?]. Het vrije volk (sa wikang Olandes). 12 Nobyembre 1979. p. 11. Nakuha noong 20 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Delpher.
↑"Miss World contestants". Star-Gazette (sa wikang Ingles). Elmira, New York. 12 Nobyembre 1979. p. 3. Nakuha noong 20 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.
↑"Beauty queen Violet stops at three..."The Straits Times (sa wikang Ingles). 19 Oktubre 1979. p. 36. Nakuha noong 20 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng National Library Board.
↑"70 misses out to be world hit". Papua New Guinea Post-Courier (sa wikang Ingles). 16 Nobyembre 1979. p. 7. Nakuha noong 20 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Trove.
↑Cardellini, Igor (12 Nobyembre 2015). "Elles ont été Miss Suisse et après…" [They were Miss Switzerland and after…]. La Liberte (sa wikang Pranses). Nakuha noong 21 Abril 2024.
↑"홍여진 미스코리아 수영복 사진 보니..."옛 사진인데 촌스럽지 않아"" [Looking at Hong Yeo-jin's Miss Korea swimsuit photo... "It's an old photo, but it doesn't look out of place."]. Asia Today (sa wikang Koreano). 15 Hulyo 2013. Nakuha noong 22 Abril 2024.
↑"Concurso "Miss Mundo"". La Nacion (sa wikang Kastila). 10 Nobyembre 1979. p. 5. Nakuha noong 21 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.