Transportasyon sa Kalakhang Maynila

Isang Amerikanong trambiya sa isang kalye sa Maynila noong 1905.
Isang dyipni sa Maynila.

Ang sistemang transportasyon ng Kalakhang Maynila ay isang pagdadamayan ng masalimuot na mga sistema ng impraestruktura sa pangunahing kalungsuran sa Pilipinas. Unang dumaan sa lungsod ang mga unang kotse at trambiya sa Pilipinas. Sa bawat panig ng kalungsuran, magagamit ang sari-saring mga uri ng transportasyon tulad ng mga bus, dyipni, taksi, tren, traysikel, at kalesa na ginagamit lamang ngayon sa mga pangunahing lansangan sa Maynila. Pinaglilingkuran ang Kalakhang Maynila ng tatlong magkakaibang ugnayang daambakal: ang Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila (o LRTA, na binubuo ng Linya 1 at Linya 2), ang Linya 3, at ang Pambansang Daambakal ng Pilipinas (o PNR, na binubuo ng PNR Metro Commuter). Punong-tanggapan din ang Maynila ng pangunahing himpilan ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas.

Pampublikong transportasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bilang isang pangunahing lungsod, may maraming pagpipiliang opsiyon sa transportasyon ang Maynila. Ang pinakatanyag sa mga paraang ito ay ang pampublikong dyipni, na ginagamit mula pa noong pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Mga patok na anyo rin ng transportasyon ang mga bus, may-erkon na taksi, at Tamaraw FX mini-van. Ang mga de-motor na traysikel at pedicab ay ginagamit sa mga maiikling layo. Sa ilang lugar, lalo na sa Divisoria, ikinakabit sa mga pedicab ang dalawang mga stroke motor at ginagamit sa pagdadala ng mga kalakal. Makabago man ang paraan ng transportasyon sa kalungsuran, ginagamit pa rin ang mga kalesa sa mga karsada ng Binondo at Intramuros. Ang mga bus at taksi ay mga mahalagang paraan din ng pampublikong transportasyon sa kalungsuran.

Isa na ring patok na paraan ng pampublikong transportasyon sa Kalakhang Maynila ang mga tren. Pinaglilingkuran ang kalungsuran ng Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila (o LRTA, na binubuo ng Linya 1 at Linya 2), ng Linya 3 at ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas (o PNR). Ang sistema ng awtomaktikong daang-patnubay panlulan (automated guideway transit system) sa UP Diliman ay magiging kauna-unahan ng uri nito sa Pilipinas. Ipapayabong ito sa loob ng kampus ng UP Diliman sa Lungsod Quezon at magsisilbing pansubok na riles para sa unang sistema ng pangmasang panlulan na itatayo at iuusbong sa bansa ng mga lokal na inhinyero.[1]

Transportasyong panlupa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bulebar Roxas
Abenida Ortigas

Nakaayos ang mga pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila sa isang grupo ng mga daang radyal (radial roads) at daang palibot (circumferential roads) na nagmumula sa at lumilibot sa paligid ng pusod ng Maynila. Ang Bulebar Roxas na isa sa mga pinakakilalang lansangan ng Maynila ay nakalinya sa mga katimugang baybayin ng Maynila sa Look ng Maynila. Bahagi ito ng Daang Radyal Blg. 1 (R-1) na patungong timog sa lalawigan ng Kabite. Ang Abenida Epifanio de los Santos o EDSA ay nagsisilbing isang mahalagang lansangan sa kalungsuran. Isa rin itong pangunahing lansangang bayan na naguugnay ng iba't-ibang mga lungsod ng kalungsuran. Isa pang kilalang daang radyal ay ang Bulebar Espanya (bahagi ng Daang Radyal Blg. 7 o R-7) na nagsisimula sa Quiapo at nagtatapos sa Rotondang Mabuhay sa hangganan ng Lungsod Quezon. Ang Lansangan ng Pangulong Sergio Osmeña Sr. na isang bahagi ng South Luzon Expressway o Daang Radyal Blg. 3 (R-3) ay ang pinakamahalagang lansangan na nagdurugtong ng Maynila sa mga lalawigan sa katimugang Luzon. Kabilang sa mga mahalagang lansangan sa kalungsuran ay ang Abenida Quezon, Abenida Commonwealth, Abenida Ayala, Bulebar Aurora, Abenida Taft, Daang Alabang–Zapote at ang Daang C-5, na isang daang palibot na kinabibilangan ng Abenida Mindanao, Abenida Katipunan at Abenida Eulogio Rodriguez Jr.. Ang Kalye Escolta, Abenida ng United Nations, Abenida Tomas Morato, Kalye Balete, Abenida Julia Vargas at Paseo de Roxas ay ilan lamang sa mga mahalagang lansangang panloob sa kalungsuran.

Ang sistemang daang radyal at palibot ay kasalukuyang pinapalitan ng isang bagong sistema ng nakabilang na lansangambayan na ipinapatupad ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH), at kasalukuyang inilalagay ang mga bagong palatandaan sa pagpapatupad nito. Itinatanda ang mga mabilisang daanan ng mga bilang na may unlaping "E" (nangangahulugang "expressway" o mabilisang daanan). Itinakda naman ang mga pambansang lansangan ng mga bilang may isa hanggang tatlong tambilang, maliban lamang sa mga lansangang iniuri bilang mga pambansang daang tersiyaryo. Halimbawa, ang pambansang daang sekundarya na N180 ay binubuo ng ilang lansangan sa gitnang bahagi ng Maynila: Kalye Finance, Bulebar Ayala, Kalye Pascual Casal, Kalye Legarda, Bulebar Magsaysay, at Bulebar Aurora.

Mga mabilisang daanan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga mabilisang daanan ay mga lansangang kontrolado ang pagpasok (controlled-access highways), at nakalimita sa mga daang pang-ibabaw (overpasses), daang pang-ilalim (underpasses), at palitan (interchange) ang trapikong patawid. Pinaglilingkuran ng mga sumusunod na mabilisang daanan ang Kalakhang Maynila:

May mga mabilisang daanan na kasalukuyang itinatayo o nakapanukala. Kabilang sa mga ito ay ang:

May kabuoang 32 mga tulay sa Kalakhang Maynila na tumatawid sa mga Ilog Pasig at Marikina, kasama ang apat na mga tulay na para lamang sa mga daambakal (Linya 1, Linya 2, Linya 3, at PNR).

Mga tulay ng Ilog Pasig

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tulay ng Guadalupe
Tulay ng Jones

Nakatala ang mga tulay sa ibaba na nasa kanluran-pasilangan na ayos. Pinakamalapit sa bukana ng Ilog Pasig ang unang tulay, at nakaayos papuntang Look ng Maynila.

Mga tulay ng Ilog Marikina

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tulay ng Marcos

Ang mga tulay na nakatala sa ibaba ay yaong mga tumatawid ng Ilog Marikina, at nakatala ayon sa hilaga-patimog na ayos (patungong tagpuan nito sa Ilog Pasig):

Mga daambakal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Linya 2 (kaliwa) at Linya 3 (kanan) Linya 2 (kaliwa) at Linya 3 (kanan)
Linya 2 (kaliwa) at Linya 3 (kanan)

Nagsimula ang pagpapa-usbong ng pangmasang sistemang panlulan nang itinatag ito noong dekada-1970 sa ilalim ng pangasiwaan ng Marcos, kung kaya ito ang unang magaang riles panlulan sa Timog-silangang Asya. Kamakailan lamang, naranasan ng sistema ang malaking multi-bilyon na dolyar na pagpapalawak kasabay ng tumataas na populasyon ng kalungsuran; ang layon nito: upang lumikha ng alternatibong anyo ng transportayon upang masagot ang demand para sa dumaraming mobile na workforce. Pinaglilingkuran ang kalungsuran ng Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila (Linya 1 at 2), ng Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila (Linya 3) at ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas (Linyang Metro Commuter ng PNR).

Ang Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila, na mas-kilala bilang sistemang LRTA, ay isa sa pangunahing mga sistemang daambakal ng Kalakhang Maynila. May kabuoan itong 31 mga estasyon na binubuo ng 20 mga estasyon ng Linya 1 at 11 mga estasyon ng Linya 2, sa kahabaan ng higit sa 31 kilometro ng hiwalay sa lupa na riles (grade-separated track) na binubuo naman ng 19.65 kilometro ng Unang Linya at 13.80 kilometro ng Ikalawang Linya. Ang Linya 1 na binuksan noong 1984, ay sumasaklaw sa mga bahagi ng Abenida Taft, Abenida Rizal, at Abenida Epifanio de los Santos (EDSA). Dumadaan ang Unang Linya sa hilaga-patimog na ruta sa mga lungsod ng Lungsod Quezon, Caloocan, Maynila, Pasay at Paranaque. Sa kabilang dako, ang Linya 2 na natapos noong 2004 ay sumasaklaw sa mga bahagi ng Abenida Recto, Kalye Legarda, Bulebar Magsaysay, Bulebar Aurora, at Lansangang Marikina–Infanta (Lansangang Marcos). Dumadaan ang Ikalawang Linya sa silangan-pakanluran na ruta sa mga lungsod ng Marikina, Lungsod Quezon, San Juan at Maynila.

Ang Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila ay isa rin sa mga pangunahing sistemang daambakal ng Kalakhang Maynila. Ang Ikatlong Linya ng MRT na natapos noong 2000 ay sumasaklaw sa mga bahagi ng Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) na isa sa mga pangunahing lansangan ng kalungsuran. May 13 mga estasyon ang MRT-3 sa kahabaan ng hiwalay sa lupa na riles (grade-separated track) nito na umaabot sa 16.95 kilometro. Dumadaan ang Ikaltong Linya sa hilaga-patimog na ruta sa mga lungsod ng Lungsod Quezon, Mandaluyong, Makati, at Pasay.

Isang tren ng PNR.

Maliban sa Linya 1, 2, at 3, ang Pambansang Daambakal ng Pilipinas (PNR) ay naglilingkod din sa kalungsuran sa pamamagitan ng Linyang Metro Commuter ng PNR (PNR Metro Commuter Line). Ang PNR ay isang kompanyang daambakal na pag-aari ng estado sa Pilipinas, na nagpapatakbo ng isang pang-isahang linya ng riles sa Kalakhang Maynila at Luzon.

Dagdag pa riyan, ang lungsod ay ang pusod ng isang sistemang daambakal sa Luzon. Ang pangunahing himpilan ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas ay matatagpuan sa distrito ng Tondo. Umaabot ang mga daambakal mula sa himpilang ito papuntang San Fernando, La Union sa hilaga at Legazpi, Albay sa timog, bagaman tanging katimugang daambakal ang gumagana.

Transportasyong panghimpapawid

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga paliparan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (NAIA) ay ang pangunahing pandaigdigang pasukan sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa hangganan sa pagitan ng Pasay at Parañaque, mga pitong kilometro timog ng city proper ng Maynila at timog-kanluran ng Makati. Naglilingkod ito sa pambansang punong rehiyon at mga kalapit na lalawigan. Isang pangalawang terminal, Terminal 2 (o ang Centennial Terminal) ay binuksan noong Oktubre 1999. Eksklusibong ginagamit ng Philippine Airlines, ang opisyal na flag-carrier ng bansa, ang terminal na ito para sa kapwang serbisyong panloob at pandaigdig, habang lahat ng ibang mga pandaigdigang lipad ay gumagamit ng unang terminal ng NAIA. Binuksan naman ang pangatlong terminal (na tinaguriang NAIA-3) noong Agosto 2008. Kasalukuyang naglalaman ito ng mga panloob na lipad ng Air Philippines, All Nippon Airways at mga panloob at pandaigdigang lipad ng Cebu Pacific. Ang pangunahing kompanyang panghimpapawid na naglilingkod sa NAIA ay Philippine Airlines. Ang KLM ay ang tanging Europeong kompanyang panghimpapawid na maglingkod sa paliparan.

Ang NAIA ay ang kinikilala na tanging paliparan na nagsisilbi sa Kamaynilaan. Ngunit kapwang nagsisilbi ang NAIA at Paliparang Pandaigdig ng Clark (na matatagpuan sa Clark Freeport Zone, Angeles, Pampanga) sa Kamaynilaan. Kadalasang nagsisilbi ang CIA sa mga pangmababang-halaga na kompanyang panghimpapawid na nakikinabang sa mga mas-mababang singil sa paglapag kung ihahambing sa NAIA. Noong 2010, naidala ng NAIA terminal ang 27.1 milyong pasahero, kung kaya napabilang ito sa limampung pinakaabalang paliparan sa mundo batay sa trapiko ng pasahero. Noong 2011, hinawak ng lahat ng mga terminal sa NAIA ang nakakahigit na bilang ng taunang trapiko ng pasahero na 29,552,264, kung kaya isa ito sa mga pinakaabalang paliparan sa Asya. Ito rin ang pinakaabalang paliparan sa bansa.[5]

Transportasyong pantubig

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga pantalang pandagat at piyer

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pantalan ng Maynila

Ang Pantalan ng Maynila, na matatagpuan sa paligid ng Look ng Maynila, ay ang pangunahing pandagat na pantalan ng Pilipinas. Pangunahing naglilingkod ito sa mga pangangailangang pangkomersiyo ng lungsod. Nararanas ang Hilagang Daungan at Katimugang Daungan ng mga maabalang panahon tuwing mga mahahabang pista tulad ng Mahal na Araw, Araw ng mga Santo at ang Kapaskuhan.

Pasig River Ferry Service

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang ferry ng Pasig River Ferry Service.

Nagpapatakbo ang Pasig River Ferry Service ng mga labimpitong estasyon sa kahabaan ng Ilog Pasig mula Plaza Mexico sa Intramuros hanggang Pasig. Ang nasabing serbisyo ng lantsang pantawid ay ang tanging transportasyong nakabatay sa tubig na naglalayag sa Ilog Pasig.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Patria, Kim Arveen (26 Nobyembre 2012). "New UP monorail coaches arrive". Yahoo! News.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. https://ppp.gov.ph/ppp_projects/skyway-stage-3/
  3. "DOTr break ground on South East Metro Manila Expressway project". CNN Philippines. 8 Enero 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Pebrero 2019. Nakuha noong 18 Enero 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "'Skybridge' promises 15-minute Makati-QC travel". 3 Enero 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Pebrero 2012. Nakuha noong 10 Marso 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Amojelar, Darwin G. (3 Hulyo 2012). "NAIA is Philippines' busiest airport - NSCB". InterAsksyon. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-02-15. Nakuha noong 2017-10-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)