![]() ![]() | |
[[Image:{{{4}}} {{{5}}} Locator.png|250px|Mapang ipinapakita ang tagpuan ng Indonesia at Philippines]] | |
Ang Ugnayang Indonesia–Pilipinas ay tumutukoy sa panlabas na ugnayang bilateral ng pamahalaan ng Republika ng Indonesia at ng Republika ng Pilipinas. Pormal na itinatag ang ugnayang diplomatiko ng dalawang bansa noong Nobyembre 24, 1949,[1] matapos kilalanin ng Pilipinas ang kasarinlan ng Indonesia. Kapwa may pasuguan sa kabisera ng isa't isa ang bawat bansa. Matatagpuan sa Makati (bahagi ng Kalakhang Maynila) ang pasuguan ng Indonesia, habang nasa Jakarta ang pasuguan ng Pilipinas. Liban dito, may konsulado ang Indonesia sa Davao, ang Pilipinas naman ay may konsulado sa Manado at Surabaya.
Pinagsasaluhan ng Indonesia at Pilipinas ang karagatan bilang hangganan, ang karamihan dito ay nasa Dagat Celebes. Bago ang 2014, hindi malinaw ang hangganang pandagat ng dalawang bansa sapagkat inaangkin ng Pilipinas ang kuwadrilateral na hangganang pandagat na itinakda sa Tratado ng Paris na sumasakop sa Pulo ng Palmas, na siya namang iginawad na noong 1932 sa Netherlands na noo'y may sakop pa sa Indonesia (noo'y kilala bilang Netherlands East Indies).
Noong Mayo 23, 2014 nilagdaan sa Maynila ang kasunduan na nagtatakda ng hangganang pandagat ng dalawang bansa. Nilagdaan ang kasunduan sa Palasyo ng Malacañang ng Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas Albert del Rosario at ng kaniyang katumbas sa Indonesia na Minister Panlabas Marty Natalegawa at pangunahing sinaksihan ng Pangulo ng Pilipinas Benigno Aquino III at Pangulo ng Indonesia Susilo Bambang Yudhoyono.
Opisyal na Pangalan | ![]() |
![]() |
---|---|---|
Katutubong Pangalan | Republik Indonesia | (Pangalan sa Tagalog) |
Eskudo | ![]() |
![]() |
Watawat | ![]() |
![]() |
Pambansang Saliwikain | Bhinneka Tunggal Ika
(Pagkakaisa sa Pagkakaiba-iba) |
Maka-Diyos, Maka-Tao, Makakalikasan at Makabansa |
Pambansang Awit | Indonesia Raya (Dakilang Indonesia) | Lupang Hinirang |
Populasyon | 273,221,505 | 108,709,219 |
Lugar | 2,098,724 km2 (810,322 sq mi) | 352,998 km2 (136,293 sq mi) |
Densidad ng Populasyon | 138.61/km2 (359.0/sq mi) | 351.87/km2 (911.3/sq mi) |
Mga Sona ng oras | Oras ng Kanlurang Indonesia (UTC+07:00)
Oras ng Central Indonesia (UTC+08:00) Oras ng Silangang Indonesia (UTC+09:00) |
Pamantayang Oras ng Pilipinas (UTC+08:00) |
Kabisera | ![]() |
![]() |
Pinakamalaking Lungsod | ![]()
|
![]()
|
Pamahalaan | Unitaryo pampanguluhang republikang konstitusyonal | Unitaryo pampanguluhang republikang konstitusyonal |
Itinatag | ![]()
|
![]()
|
Mga Estado ng Nauna | Panahon ng Kolonyal (1512-1949)![]() Silangang Indies na kolonya ng Portuges (1512-1850
|
Panahon ng Kolonyal (1565–1946)
Bayan ng Tondo (900 – 1589)
|
Unang (mga) Pinuno | ![]() |
![]() |
Kasalukuyang (mga) Pinuno | ![]()
|
![]() |
Mambabatas | ![]()
|
![]()
Kapulungan ng mga Kinatawan Tagapagsalita: Lord Allan Velasco |
Hudikatura | ![]() Punong Mahistrado: Muhammad Syarifuddin
Punong Mahistrado: Anwar Usman |
![]() Punong Mahistrado: Alexander G. Gesmundo
Namumunong Hustisya: Remedios Salazar-Fernando |
Militar | ![]() Kumander: Andika Perkasa
|
![]() Tagapangulo: Andres Centino
|
Ahensya ng Pagpapatupad ng Batas | ![]() Tagapangulo: Idham Azis |
![]() Tagapangulo: Dionardo Carlos |
Relihiyon | ![]()
|
![]()
|
Mga pangkat etniko | Mga Habanes: 42.6%
Mga Sunda: 15.6% Mga Malay na Indones: 3.7 Mga Batak: 3.6% Mga Madurese: 3.0% Iba pa: 60.7% |
Mga Tagalog: 24.4%
Mga Cebuano: 21.3% Mga Ilokano: 8.8% Mga Hiligaynon: 8.4% Mga Bikolano: 6.8% Iba pa: 30.2 |
Opisyal (mga) Wika | Indonesian (Malay) | Pilipino (Tagalog), Ingles (Diyalekto ng Pilipinas) |
GDP (nominal) | US$1.25 trillion ($4,538 Per Capita) | US$433.180 billion ($$3,858 Per Capita) |
GDP (PPP) | US$ 3.84 trillion ( $13,981 Per Capita) | US$1.110.810 trillion ($9,893 Per Capita) |
Paglago ng GDP | 5.94% (2022) | 5.6% (2021) |
Salapi | Rupiah ng Indonesia (Rp/IDR) | Piso ng PIlipinas (₱/PHP) |
Mga pangunahing industriya | Palm oil, karbon, petrolyo, tela, pagmimina, industriya ng semento | Pagpupulong ng elektroniko, kalawakan, pag-outsource, tela, kasuotan, paggawa ng pagkain |
Lakas paggawa | 69,000,000 | 64,100,000 |
TKP | 0.718 (Mataas) | 0.718 (Mataas) |